JackieSandali akong hindi makagalaw, literal. Ang paraan ng pagtitig ni Joko sa akin sa screen—may halong pagnanasa at pilyong ngiti—ay nagpapainit sa buong katawan ko at nagpapaikot ng isip ko. Mahina siyang tumawa, halatang natutuwa sa katahimikan ko.[Kapag tumingin ka pa rin sa akin ng ganyan, maniwala ka, pupuntahan kita ngayon din,] biro niya, kalahating nakakatawa, kalahating seryoso. [Come on, Jackie. Ipakita mo sa akin buong pajama mo. Huwag ka ng mahiya.]Tumayo ako, pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko at dahan-dahang umikot sa harap ng camera. Mabilis ang naging reaksyon niya.[God, Jackie… isa kang dyosa…] bulong niya habang kinukuha ang cellphone niya para mas makita ako. [Now, tell me—papayagan mo ba talaga akong makita ka ng maayos o gusto mo pa akong pahirapan?]“At bakit ko naman gagawin ‘yon?” tanong ko, nakataas ang kilay.[Dahil gustong-gusto mong tinotorture mo ako,] sagot niya, may kumpiyansang ngiti. [Dahil sigurado akong nag-e-enjoy ka rin.
Read more