Joko “Um, Tito, hindi sa nakikialam ako…pero, hindi ba parang sobra na ’to?” tanong ni Zac habang pinapanood niya akong ikalat ang huling pulang rose petals sa sahig ng sala. “Kung ako si Tita Jackie, baka ma-turn off ako. But that’s just me.”“Hindi, tama lang,” sagot ko, kuntentong tinitingnan ang paligid—literal na puno ng pulang rose petals, mga flower arrangement sa lahat ng sulok at mga heart–shaped balloon na lumulutang sa kisame. “Tama lang ‘to para sa babaeng nagpapaikot ng mundo ko.”Napangiwi si Zac, “ew, remind me not to do this with Luna kapag of legal age na kami.”May ginawa akong landas ng rosas na umaabot mula sala hanggang kwarto, na syempre, puno rin ng petals—pati ang kama at pati banyo.“Kung ’yan ang sabi mo… pero tingin ko inubos mo ang buong stock ng roses sa city,” sabi ni Zac, umiikot ang mata. “At malamang pati lahat ng heart balloons. Paldo ang flower shop.”“Wag kang OA,” sabi ko, binigyan siya ng tinging masama. “Inorder ko lahat ’yan ng advance.”
Read more