مشاركة

KABANATA 53

مؤلف: Maria Anita
Joko

Umalis ako sa bahay ni River at pumunta kina Ate Hope, pero sina Jackie at Roman lang ang nasa isip ko. Nababaliw na ako. Pagdating ko, niyakap ako ng ate ko at kitang-kita kung gaano siya nasaktan sa ginawa ni Felipe–nagpapasalamat naman ako dahil sa pagkakataong ito ay mulat na ang kanyang mga mata. Yun nga lang, naging napakasakit para sa kanya ‘yon.

Nagsimula kaming mag-usap at ikinwento ko sa kanya ang lahat ng natuklasan ko sa Social Club, ang panggigipit, ang mga posibleng reklamo kay Felipe, ang ginawa niya kay Jackie pati na rin ang nagawa ko sa kanya, at ang pagsuyo-suyo ni Felipe kay Jackie.

Sa huli, nakahiga ako sa sofa ng ate ko, ang ulo ko ay nasa kandungan niya, umiiyak na parang sanggol at nagsisisi na ako ay isang mapusok na hangal na kumikilos muna at nag-iisip mamaya.

Pinayuhan ako ng ate ko na ipaglaban si Jackie at humingi ng tawad sa kanya at huwag sayangin ang oras. Kahit ang bayaw ko, na karaniwang nakikinig lang, sa pagkakataong ito ay tinawag ang ate
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 65

    JackieNang umalis si Joko, humiga ako sa kama at nag-isip. Siguro dapat ko na siyang patawarin at wala ng mas simboliko pa kaysa sa paggawa nito sa kasal nina Isabelle at River. Perfect moment iyon.Tumunog ang cellphone ko sa bedside table. Kinuha ko ‘yon at nagulat ako sa nakita ko. May dumating na message mula sa isang numerong hindi ko kilala–nang buksan ko ito, larawan iyon ni Joko na nakakapit sa putang iyon. Suot niya ang parehong damit na nakita kong suot niya palabas ng bahay ko, kaya ang larawang iyon ay bago lang. Tiningnan kong mabuti at napagtanto ko na nasa parking lot pala ‘yon ng Social Club. Not funny!Nagsinungaling sa akin ang gago na iyon! Ulit!Papatayin ko siya! Paano siya naging ganito ka-walangya? Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak. Pagod na ako! Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng tsaa. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama at natulog.Kinabukasan ay nagising ako ng napakaaga, nag-ayos, kinuha ang mga gamit ko, tumawag ng taxi at pumunta

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 64

    JokoMatagal kaming magkayakap ni Jackie.I lost sense of time pero nanumbalik ang mga alaala. Mga alaalang gusto kong ibaon ng malalim at ayaw kong ibahagi kahit kanino. Ang pakiramdam na naroon siya, ang pagyakap sa akin, ang pagsuporta sa akin, ay parang isang pampakalma sa lahat ng bukas na sugat na iyon.Nang bumitaw kami, tumingin ako sa mga mata niya, kumbinsido na kung hindi siya iyon, wala ng iba sa buhay ko, sa aking tabi, na tutulong sa akin na iwanan ang lahat ng sakit na dulot ng tatay ko noon.“Please, bumalik ka na sa akin. Stay with me, forever,” bulong ko.“Joko,” bumuntong-hininga siya. “ Pumunta ka ba sa horse farm na iyon kasama niya pagkatapos kong mahuli kayong magkasama?“Oo.” Ayoko na sanang pag-usapan iyon, pero kailangan kong maging tapat sa kanya.“Why?”“Dahil nagpadala siya sa akin ng isang audio message na umiiyak, gusto na niyang mamatay at kung hindi ko siya hahanapin, magpapakamatay siya. I can show you her message.”“Ayokong makita 'yan.” Tu

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 63

    JackieHinila ako ni Joko papasok sa bahay na iyon at hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Parang isang panaginip lang iyon.Maganda at napakalaki ng bahay, pero ang ikinagulat ko ay ang nasa loob nito. Walang mga muwebles, pero nagkalat ang hindi mabilang na pulang rosas, mga ilaw na hugis kandila at mga lobo na hugis puso sa kisame.Sa gitna ng silid ay may mga malalambot na fur mat na may mapusyaw na kulay at maraming makukulay na unan na may matingkad na kulay at iba't ibang laki at may isang mesa na may mga strawberry, tsokolate at chilled champagne. Sa madaling salita, inulit ni Joko ang ginawa niya noong isa sa aming pinakamagagandang gabi. Dramatic at exagged si Joko, pero sa pagkakataong ito ay mas lumevel-up siya.“Kaninong bahay ito?” Humarap ako sa kanya, hangang-hanga pa rin sa lahat.“Bahay natin ‘to.” Lumapit siya.“I don’t understand.” Lubos akong naguluhan sa aking nakita kaya naman tila walang ginagawa ang aking utak kundi ang mamangha.“Binili ko ang bah

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 62

    JokoHindi ako makapaniwala. Ito ang unang pagkakataon sa loob ng maraming araw na may senyales na ako na patatawarin na ako ni Jackie. Pagpasok ko sa elevator at pagbukas ko ng note, gusto ko sanang lumabas at halikan siya, pero sumasara na ang pinto.‘Make me believe,” ang nakasulat doon.Wala na akong kailangan pa para magkaroon ng pag-asa at malaman na may pagkakataon pa akong makuha siya pabalik. Tatlong salita lang ang naroon, pero mas marami ang sinasabi nito kaysa sa inaakala ko at pabor sa akin.Pumunta ako sa isang meeting na hindi ko na ipinagpaliban at bumalik agad sa kompanya ni River, parang may pakpak ang mga paa ko, pero huminto muna ako sa mall at bumili ng ilang gamit.Sa confectionery, humingi ako ng tulong sa attendant para buuin ang kahon. Inilagay niya ang labindalawang pulang usbong ng rosas at sa pagitan ng mga tangkay ay inilagay niya ang bote ng marula liqueur at sa paligid ng bote ay nilagyan niya ng ilang strawberry chocolates. Isinara niya ang kahon

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 61

    JackieNagmadali akong bumalik sa opisina at pagdating ko, hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag pero ang gulo! Mabilis na ipinaliwanag ni John sa akin ang nangyari– dinukot si Nathan.“Kailangan ka ni Isabelle ngayon!” sabi ni John. “Papunta na si Joko kasama ang iba pa, at paparating na rin si Bettina.”“Good, Ano pa bang magagawa ko?” tanong ko.“Magiging magulo ang mga bagay-bagay dito. Asikasuhin mo si Isabelle at linisin mo ang schedule ng CEO. Sa madaling salita, ikaw muna ang bahala dito hanggang sa maayos nina River at Hubert ang lahat. Kung kailangan mo ng tulong, kausapin mo ako,” utos ni John sa akin at umupo ako para magtrabaho. “Hindi ka pa nagla-lunch, 'di ba?”“Hindi pa, pero o-order ako mamaya at kakain dito.”“Yeah, mag-brunch tayo rito, para laging available, para walang magutom,” sabi ni John at naisip kong magandang ideya iyon.“Ano na?” tanong ko.“Tawagan mo ang caterer at hilingin sa kanila na ihanda ang lahat sa loob ng isang oras,” sabi ni John bago

  • The Ravishing CEO: Burning For His Touch   KABANATA 60

    JackieNakakapagtaka na makita ko si Zac sa mall at mas nakakapagtaka na manood ito ng parehong pelikula na papanoorin namin. Kung naroon si Joko, sasabihin kong may plano ito–pero kasama ni Zac ang kasintahan niya at ang kapatid nito. Ang nakakapagtaka, kilala ng kapatid ng kasintahan niya si Roman at muntik na siyang atakihin sa puso ng makita niya ito. Ano na naman kaya ang mapapala ko? Aalamin ko na lang.Sa huli, nasiyahan talaga ako sa oras na iyon kasama ang grupo. Napakabait ng mga kasama ni Enzo, nakakatawa at napakadaldal ni Ivy, kaya hindi naman kakaiba na naroon ako kasama ang isang lalaki at ang pamangkin ng dating kasintahan ko. Pero may nangyayari.Pinilit ni Zac ang mga libro sa math na inalok ko sa kanya ilang araw na ang nakalipas noong nagkape kami. Pagkatapos ay umalis si Roman at umakyat si Zac kasama ko sa taas.“Zac, here.” Kinuha ko ang mga libro at notebook mula sa kwarto at inabot sa kanya. “Sabihin mo nga sa akin, anong meron?”“Plano? Ang astig lang

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status