Isabelle Bumalik ako sa desk ko ilang minuto bago mag-uwian. Ugali ko kasing tapusin ang mga nasimulan ko na para bago na naman ang aasikasuhin ko bukas. Pero halos kakaupo ko pa lang nang marinig ko si John na pumapasok sa floor namin habang kumakanta ng ‘stereo hearts’. “John, magaling ka palang kumanta,” bati ko sa kanya ng nakangiti. “Hindi naman. Praktisado lang,” sagot niya sa akin ng nakangiti rin. “Gusto ko kasi ng vibes dito sa floor natin. Oo nga pala, nasa third floor ako nang masagap ko ang balita sa nangyari dito kanina—ayos ka lang ba?” “Ang bilis naman ng balita. Pero okay na ako, salamat sa pagtatanong, John.” “I see. Buti naman okay ka lang. Mauna na ako, Isabelle. Tumawag si misis—maaga daw siyang nakauwi at may surprise daw sa akin. Gustong-gusto ko pa naman ng mga surprises,” dagdag niya, bakas sa mukha ang saya. “Kapag nakabuo kami, ninang ka!” “Sige ba!” “Kwento ko sayo bukas, sabay tayong mag-lunch. Tapos magplano na rin tayo para sa weekend. Excite
Read more