Kinabukasan. Pagtingin ko sa cellphone ko, may mensahe mula kay River, nasa labas na daw siya. Ayon, hindi ko na naman mapigilang kiligin. Kumabog ang puso ko, para akong teenager na makikipag-date sa unang pagkakataon. Agad kong kinuha ang bag ko at bumaba, parang lumulutang sa ulap ng saya. Sana ganito araw-araw kung pwede lang. Nasa sala na siya ng datnan ko. “Good morning, my princess. Mahimbing ba ang tulog mo?” tanong niya, sabay yakap at isang banayad, matagal na halik na halos ipalambot ang tuhod ko. “Like a baby. Nanaginip ako tungkol sa sobrang gwapo kong boyfriend,” biro ko, nakangiti at puno ng lambing. “Akalain mo, may boyfriend na ako!” “Ah. Ako ‘yon, sigurado,” sagot niya sabay ngiti. Lumikot ang mga mata niya, tila may hinahanap. “Nasaan na ang anak mong makulit? Hindi ba dapat ihahatid natin siya sa daycare?” Napangiti ako sa natural na pagbanggit niya kay Nathan. Walang alinlangan. Walang pag-aalinlangan. “Si Diane na ang naghatid. Siya na yata ang pinaka-do
Read more