Kanina pa gustong bumigay ng mga tuhod ko, naging kalmado ako sa kabila ng lahat na para bang walang nangyari. At si Stephanie? Diyos na mahabagin, kung gaano siya kayaman, ganoon din siya kabastos. Nang magsabog ng kasamaan ng ugali—nasalo niya yata lahat. Pero ang talagang nagpawindang sa akin ay ang ginawa ng bago kong boss. Sinagip niya ako. Nakasiksik ako sa dibdib niya at tama siya, ramdam na ramdam ko ang paninigas ng bahaging ‘yon ng katawan niya—‘yon pa lang ay naloka na ako. Lalo na nang bulungan niya ako na huwag gumalaw kanina, parang may sumabog na init sa katawan ko. Ang mas nakakagulat ay ang katotohanan na matagal ko na kasing hindi naramdaman ang ganoong klase ng apoy—ang huling beses ay ang gabi ng masquerade ball na ‘yon. At ang boss ko? Naku, mas matigas pa yata sa bato. Diyos ko, mukhang hindi ako magtatagal sa trabahong ito. Kung hindi ako matanggal, baka ako mismo ang umalis. “Isabelle, yari ka talaga,” bulong ko sa sarili ko. Bilang oversharer na kaibi
Read more