Chapter 121“Mga... kidnapper ba talaga sila?” bulungan ng mga tao, nagsisimula nang magduda.Ngunit biglangl umuhod ang babae sa harap mismo ni Amara, nangingilid ang katawan at puno ng luha sa mukha.“Pakiusap! Tigilan mo na ‘to!” malakas niyang sigaw, nanginginig ang katawan. “Ang mga larawan na ‘yan, kuha mo lang noong palihim mong inilabas ang anak ko kasama ang asawa ko! Hindi ‘yan ebidensya! Anak ko siya, at mamamatay siya kung hindi ko agad madala sa ospital! Pakiusap, umalis ka na sa daan namin! Nagmamakaawa ako sa’yo!”Nag-igting ang panga ni Amara saka nanikip ang dibdib. Ngunit ang mga tao, na kanina’y nagdududa, biglang tumango-tango, tila naliwanagan.“Hay naku, tama na, ate! Huwag ka nang magsinungaling. Hayaan mo na sila!” sigaw ng isa. “Maawa kas a bata.”“Grabe ka, napakawalang puso mo. Mag-ingat ka, baka balikan ka ng karma!” dagdag pa ng iba.Dumagundong ang kaba ni Amara dahil maraming tao ang ayaw maniwala sa kaniya. Nandiyan lang si Elara... isang hakbang lang
Last Updated : 2025-09-15 Read more