Ximena“Hi, Lo! Hi, La!” masiglang bati ni Natasha habang naka-strut papalapit, parang artista na sanay sa atensyon. Saglit na natigilan ang dalawang matanda, kita ko pa ang bahagyang pag-angat ng kilay nila, pero mabilis ding nakabawi at nagpakawala ng magiliw na ngiti.“What brought you here, Natasha?” tanong ni Lola Isabel, at agad kong napansin na sa pangalan niya in-address ang babae. Hindi tulad ng sa akin na laging puno ng lambing at tawag na may halong asim kilig, ‘yung tipong “’Nak” o “Iha at higit sa lahat, "dear".” Para bang may kakaibang distansya sa tono niya ngayon.“Kumain ka na ba, Natasha?” tanong naman ni Lolo Alejandro, parang automatic na hospitality ng isang mabait na lolo.“Tapos na po,” sagot niya sabay ngiti na parang Miss Universe ang peg. Pagkatapos ay mabilis siyang nag-shift ng tingin sa akin, diretso, walang hiya-hiya.Hindi ako umimik, at lalong hindi ako ngumiti pabalik. For what? Para makipagplastikan? Hard pass. Hindi ba at ang awkward kung bigla na lan
Last Updated : 2025-10-02 Read more