XimenaSinubukan kong huwag ipahalata ang gulat ko kahit parang kumakabog na ang dibdib ko. Tumayo ako, diretso ang likod at kunwari composed. “Maupo na muna kayo, Sir Azael,” aya ni Mama, kalmado ang boses pero ramdam kong nagsisimula na siyang makahalata.“Hindi na, Ma,” mabilis kong tugon. Matigas ang tono, halos pabulong pero mabigat. “Sa labas na lang po kami ni Sir mag-uusap.”Napansin ko ang paraan ng tingin niya sa akin, matalas, na kung nakakamatay lang ay baka tumimbuwang na ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi, lalo pa nang mapansin kong tumingin siya sa direksyon ni Adrian na nakikipagkulitan na ulit kay Nicolas. Kita ko ang bahagyang pag-igting ng panga niya.“Ikaw ang bahala,” sagot na lang ni Mama, halatang hindi komportable pero piniling huwag nang makisawsaw. Binalingan niya na lang ang dalawang makulit na lalaki. “Nicolas, Adrian, halika na at kumain.”Ngumiti si Adrian, tumango, at agad na inaya si Nicolas na sobrang kulit pa rin at sige lang sa kwent
Last Updated : 2025-09-18 Read more