Ximena“Ate, hindi ba si Kuya Adrian ang boyfriend mo?”Inosente lang ang tanong ni Nicolas, pero parang may kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o dahil naaawa ako kay Azael. Kasi kahit alam kong walang malisya ang tanong ng kapatid ko, ramdam kong may bigat ‘yong pangalan ni Adrian sa pagitan naming dalawa.Napatingin ako sa kanya, alam ko naman kasi na maiintindihan din ng kapatid ko ang lahat. “Hindi, Nicolas. Kaibigan ko lang si Adrian,” sagot ko, sinubukang gawing casual ang tono ko.“Ahhh,” mahabang sagot ni Nicolas, sabay turo sa bintana ng kotse. “Eh ‘di si Kuya Azael na pala talaga, no? Siya na ‘yung boyfriend mo ngayon?”Natawa si Mama na nasa kabilang side niya, halatang aliw na aliw sa pagiging prangka ng bunso. “Hay naku, Nicolas. Ang bata mo pa pero parang marites ka na rin,” sabi ni Mama sabay tawa, habang tinatapik ang tuhod ni Nicolas.“Hindi naman po, Ma. Nagpunta na po kasi sa atin si Kuya Adrian kaya akala ko ay nanliligaw na siya kay Ate,” d
Last Updated : 2025-10-08 Read more