XimenaLumipas pa ang mga araw at, ayun, last day of work na for the week. Malapit nang mag-uwian, at dahil wala namang kahit anong bilin si Sir Roccaforte para bukas, sure na ako na no pasok, no stress, legit weekend mode.“Mena, may gagawin ka ba bukas?” tanong ni Joyce habang nakatayo na at abala sa paglilinis ng table niya, parang countdown na lang ang hinihintay para makalabas.“Sinabi ko sa kapatid ko na igagala ko sila ni Mama,” sagot ko habang sinasalansan ang mga papel ko. “Bakit, may lakad ba?”“Wala naman,” nakangising sagot niya na parang may kalokohan sa tono. “Yayayain ka sana namin na maglakwatsa.”Napangiti ako pero umiling. “Ngayon lang ulit kami makakagala after mamatay si Papa, kaya sila muna ang uunahin ko. Mahirap na, baka ugatin na si Mama sa kakakilos sa bahay.”“Ay, bet yan!” sagot ni Joyce, biglang naging animated. “Mabuti at sumasama ang mother dear mo sa ganyan. Yung nanay ko kasi mas gusto na sa bahay lang, so ayun, napipilitan na lang ako bigyan siya ng per
Last Updated : 2025-08-12 Read more