DUMALOY ang luha sa aking pisngi hanggang sa malasahan ko na ito. Ang aking labi ay nag-umpisa na ring manginig. Bakit ko ba ginagawa ito? Hindi na ba ako nahiya? Para akong nagmamakaawa sa kaniya. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking pisngi. Hindi pa rin ako nag-angat ng aking ulo. “Well, naiintindihan naman kita. Sino ba naman ang magugustuhan ang isang babaeng marumi na na katulad ko hindi ba? Syempre wala.” isang malungkot na ngiti ang muling sumilay sa aking labi.“I’m so pathetic right? Haha.” nagawa ko pang matawa sa sarili ko. Hindi ko narinig ang sagot niya pero malinaw na ang pananahimik niya hindi ba? Hindi na niya kailangan pang sumagot. “Well, I’m sorry. You should rest, sir.” pagkasabi ko nun ay tumayo na ako. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay sa bawat paghinga ko ay sinasaks*k ako. Sobrang sakit, sobrang kirot.Nakahakbang na ako ng isa nang bigla na lang niyang hilahin ang kamay ko at napaupo kami pareho sa sofa. Bumagsak ako sa kanyang kandungan. Gulat ak
Huling Na-update : 2025-08-20 Magbasa pa