ALAS dos na ng hapon sa mga oras na iyon at magkakasama kami nila Astrid dahil maghahanap kami ng maisusuot para sa party. Binilhan naman ako ni Dalton ng isusuot kong gown kaya nga lang ay napaka bongga naman nito para akin. Parang kapag sinuot ko iyon ay sa akin na lang tumingin ang lahat ng tao mamaya. Ayokong makakuha ng maraming atensyon, gusto ko ay kapag nag-umpisa ang party ay tahimik lang ako sa isang tabi kasama sina Astrid at Sharmaine. Isa pa, matagal-tagal na rin kaming hindi nag-usap kaya marami na akong kwento na dapat sabihin sa kanila.Halos alas tres na ng hapon nang makapili kami ng mga isusuot namin. Simple lang ang mga napili naming mga gown. Pagkatapos naming mamili ay pumunta muna kami sa isang cafe para magpahinga muna at kumain. Napakatagal naming nag-ikot ikot na inabot ng halos isang oras kaya sumakit ang aming mga paa.Nakaupo na kami sa isang sulok habang kumakain nang biglang mapa-buntong hininga si Sharmaine. “Siya nga pala Freya, ang tagal ka na naming
Last Updated : 2025-09-01 Read more