THIRD PERSON POINT OF VIEWBAHAGYANG napatigil si Kian sa kanyang ginagawa ng mga oras na iyon nang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang sinulyapan ito upang tingnan kung sino ang tumatawag at nang makita niya kung sino ay agad na nanlamig ang kanyang mga mata.Pinulot niya ang kanyang cellphone at sinagot ito. “Kamusta Kian?” tinig iyon ni Donya Victoria, ang lola ni Dalton, ang kanyang boss.“Okay naman po madam.” maikling sagot niya rito. May kutob na siya kaagad kung bakit na naman ito napatawag sa kaniya. Halos ilang araw na rin kasi noong huli siyang nag-report dito at malamang ay magtatanong na naman ito tungkol sa mga pinaggagawa ng apo nito.“Wala yata akong narinig sayo nitong mga nakaraang araw.” sabi na nga nito ng tuluyan.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Nitong mga nakaraang araw ay halos hindi niya makausap ng maayos si sir Dalton dahil palagi nitong kasama si Freya. Ang bilin sa kaniya ni Donya Victoria ay kailangan niyang sabihih lahat dito
Last Updated : 2025-08-12 Read more