Mag-log inThank you po
Nilapitan siya nito at hinawakan ang nanlalamig niyang mga kamay. "Anak, huwag mo nang hintayin na pagbalakan ka nila nang masama. Siguro mas makabubuti sa inyong mag-ina na layuan na lang si Nick." "Pa, hindi. Hindi ko ilalayo ang anak ko sa daddy niya. Mahal ako ni Nick, Pa. At nangako siya sa akin na ipaglalaban niya ako sa daddy niya at alam kong tutuparin niya iyon. Lalo na kapag nalaman niya na magka-baby na kami. Pa, mahal ako ni Nick. Ipaglalaban namin ang isa't isa. Sabay kaming lalaban." Nakikiusap ang mga matang tiningnan niya ang papa niya. "Pa, mahal ko po si Nick. Ngayon lang ako naging sigurado sa nararamdaman ko sa kaniya. Ayokong maranasan ng anak ko na lumaki na walang kikilalaning ama." Napaiyak si Aya nang walang salitang yakapin siya ng papa niya. Yakap ng isang ama na punong-puno ng pagmamahal. Matagal. Mahigpit. "Sigurado ka bang hindi ka niloloko ng asawa mo?" Paniniyak nito matapos siyang pakawalan. "Siguradong-sigurado po ako, Pa. Naniniwa
MAY PAGMAMADALING inayos ni Aya ang mga larawan at akmang itatago para hindi makita ng taong nasa likuran niya ngunit huli na. Dahil bago pa niya maitago ang mga iyon ay nahablot na iyon sa kan'ya ng ama na siyang tumawag sa kan'ya. "P-Pa, akin na ho--" Akma niyang babawiin sa Papa Joel niya, pero mabilis nitong nailayo iyon sa kan'ya. "P-Pa..." Natakot siya. Lalo na nang makitang dumilim ang mukha nito habang isa-isang tinitingnan ang mga larawan. Hangga't maaari sana, ayaw niyang magalit ang ama sa kan'yang asawa. Naniniwala siyang manipulated photo lamang iyon para magalit ito kay Nick. Ngunit sa reaksyon ng kan'yang ama, alam niyang kumbinsido itong si Nick at Eunice iyon. "P-Pa." Napalunok siya. "Anong ibig sabihin nito?" Lumago ang takot sa dibdib niya. Dahil sa nakikitang hitsura ng ama ay alam niyang mahihirapan siyang ipaliwanag dito na hindi totoo ang mga nasa larawan. "Sagutin mo ako, anong ibig sabihin nito, Aya?" Mahina ngunit puno ng diing tanong nito
"Hindi ko alam kung anong katahangan ang pumasok sa utak ng anak ko para patulan ang alok mo! Gayong napaka-cheap mo naman. Look at you," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, "napaka-cheap mo para patulan ng anak ko." Ginawa niya ang lahat para hindi ipakitang durog na durog na naman siya. Nagtapang-tapangan siya kahit ang totoo, basag na basag ang buong pagkatao niya. "Layuan mo ang anak ko. Tigilan mo na ang kahibangan mo dahil sooner or later, maghihiwalay din kayo. Dahil hindi ako papayag na maging bahagi ka ng pamilya ko." Ang maliit na distansya nilang dalawa ay tinawid nito. Hinawakan siya sa panga. "Huwag na huwag kang babalik ng Manila para puntahan ang anak ko, Aya! Maayos na siya roon, kasama si Eunice. Inaayos na nilang dalawa ang mga dapat nilang ayusin. And you, just stay here, sa lugar kung saan ka nababagay." Sa kabila ng sakit, nagawa niyang ngumiti rito. Nagulat ito. "Kung in-expect n'yo na maniniwala ako sa inyo, mali po kayo. Hindi ako nanini
INILALAGAY ni Aya sa kan'yang bag ang mga importanteng gamit na dadalhin niya pabalik sa Manila mamaya nang makarinig siya ng sunod-sunod na busina ng sasakyan. Awtomatikong sumilay ang matamis na ngiti sa kan'yang mga labi. Dahil ang asawang si Nick agad ang pumasok sa isip niya na dumating para sunduin siya. "Sabi ko na nga ba, hindi mo 'ko kayang tiisin, eh." Ngiting-ngiting sambit niya, saka iniwan ang ginagawa at patakbong lumabas ng kan'yang silid. Nakasalubong niya ang kan'yang ina na may sabon pa ang kamay. "Anak, bakit ka tumatakbo? Baka naman madapa ka. Ang baby mo." Paalala nito sa kan'ya. Sa sobrang saya, nayakap niya ang ina. "Sobrang saya mo naman yata." Puna nito. Hindi kasi mawala-wala ang ngiti niya dahil mula sa bintana ay nakita niya ang isang magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng gate nila. Malakas ang kutob niyang si Nick ang sakay niyon at susunduin na siya. Sinundan ng Mama Julie niya ang tinitingnan niya at pagkuwa'y nagtanong ku
PALABAS NA SILA ng hospital nang muli siyang tuksuhin ni Joana tungkol sa bawal muna ang makipag-sex. "Kahit hindi bawal, wala naman talagang sex." "E, paano iyan kapag nag-crave ka sa sex, Ate?" Namilog ang mga mata ni Aya. "Anong mag-crave sa sex? Walang gano'n." "Anong wala? Meron talagang gano'n, Ate. Iyong officemate kong kapapanganak lang, naikuwento niya sa amin na do'n siya nag-crave noong naglilihi siya." Kuwento ni Joana na ikinalaki ng mga mata niya. "Totoo ba?" "Oo, totoo, Ate." Biglang tumawa si Joana. "Hindi ako naniniwalang may gano'n. Ini-echoss mo lang ako." "Ate, hindi. Totoo nga. Tawang-tawa nga kami no'n kasi sabi niya, madalas daw magising ang asawa niya noon na nakaibabaw na siya. Kapag daw hindi siya napagbibigyan ng asawa niya noon, umiiyak siya." Tawa ito nang tawa habang ikinukuwento sa kan'ya ang tungkol sa officemate daw nito. "Kung totoo man iyan, siguro naman hindi ako magiging gano'n sa ka-work mo." "Sana nga kasi bawal da
HABANG NAGHIHINTAY si Aya na tawagin ng doktor ang pangalan niya ay samu't saring emosyon ang nadarama niya. At sa dami ng emosyong nasa dibdib niya ngayon, excitement ang pinaka nangingibabaw sa lahat. Excited siyang malaman kung magkaka-baby na nga ba talaga sila ni Nick. Nakapag-pregnancy test na siya kanina sa bahay gamit ang biniling pregnancy test kit ng kapatid na si Joana. Nakatatlong try siya at lahat iyon ay dalawang guhit na pula ang resulta. Pero gusto niyang mas makasiguro na nakabuo na sila ng asawa kaya kaagad siyang nagpasama sa hospital para makapagpa-check up. Gusto niyang makasigurong mayro'n na bago ibalita kay Nick ang tungkol sa posibleng pagdadalang-tao niya. Sobrang excited siyang ibalita kay Nick ang tungkol doon, pero pinigilan muna ni Aya ang sarili hangga't hindi pa ang doktor ang nagkukumpirma na may laman na nga ang tiyan niya. See you, soon, mahal ko. Napapangiting piping sambit ni Aya sa sarili na ang tinutukoy ay ang kan'yang asawa sabay hawak
Amaya Shannel "Wife, may gamot ka ba riyan? Masakit ang ulo ko." Daing nito, sapo ang ulo. Napaungol na lang ako. Wala na akong takas. Lalo pa't pinagitnaan ako ng apat. "Tinawag ka niyang wife? Narinig naming apat, Aya." Si Lia. Nakasimangot pero maya-maya ay biglang umirit at niyugyog ang
AMAYA'S POV "P-PUWEDE BANG LUMAYO KA NA?" Pinilit kong hindi mautal nang sabihin 'yon. Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko at naiilang ako dahil doon. Kulang na lang ay dumikit ang mukha niya sa akin. Hindi ako kumportable. Napansin ko ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi niya ba
AMAYA'S POV "Nasaan ako?" Mahinang tanong ko sa aking sarili nang magising sa isang 'di pamilyar na kuwarto. Sinanay ko muna sa liwanag ang aking mata bago iginala ang tingin sa kabuuan ng kuwartong kinaroroonan ko. "Anong ginagawa ko rito?" Muli kong tanong nang ma-realize na hospital room
AMAYA'S POV NAGPAPAALAM na ako sa mga magulang ko para pumasok sa trabaho nang makarinig kami ng sigaw na tila mula sa labas ng gate ng bahay namin. "Sino 'yon? Ang aga-agang mag-iskandalo." Ani ni Papa Joel, at sumilip sa labas ng bintana para tingnan kung sa gate nga namin nanggaling ang mal







