Sandaling natigilan si Maya. Nakatingin sa dalawang lalaki na parehong nakangiti sa kanya.“Sige, kay Lance ako sasabay.”Nalaglag ang balikat ni Lucas.“Lance, malayo kasi ang byahe, luma ang kotse ni Lucas. Kaya sa’yo kaming dalawa sasabay.”“Yeah, good decision,” ani Lucas.Tila naman napipilitan si Lance ngunit walang nagawa.Tumango ito, “Of course. Pwede naman nating isabay si Lucas.”“Susunduin na lang kita dito sa Friday,” ani Lance bago umalis.Araw ng Biyernes.Sa loob ng sasakyan, si Maya ang nasa gitna.Sa kanan, si Lucas, tahimik lang. Sa kaliwa, si Lance, panay ang kwento.“Super excited ako sa workshop na ito,” aniya.“Ako din tiyak madami tayong matututunan. Basta naman may ticket, payag ang Timeless Essence na mag-leave. Para din naman kasi sa ikakahusay ng mga empleyado.”“True tapos with pay pa at take note may allowance pang malaki. Biruin mo, sa two-day workshop, may thirty thousand na allowance, parang isang buwang sweldo na.”“Ha? Saan ka kumuha ng thirty thousa
Terakhir Diperbarui : 2025-10-28 Baca selengkapnya