Katatapos lang ng mentorship session nang bumukas ang pinto at sumilip ang assistant ni Sofie."Sir Kyle, emergency po. May tawag galing sa ospital, naaksidente daw po si Miss Sofie. Hinahanap niya kayo."Nagbago ang anyo ng mukha ni Kyle, bahagyang nag-alala, pero kalmado. Napagtanto ni Mira, he still cares for her. Pero tama lang naman dahil may pinagsamahan sila.Tumayo agad ang lalaki. “I have to go. Wala siyang pamilya dito, nasa abroad lahat.”“Okay lang, sige puntahan mo na siya,” sabi niyang tila galing sa ilong.Tumango si Kyle at naglakad palayo, ngunit bago pa tuluyang makalabas ay lumingon ito.“I’ll chat you. Don’t overthink. Babalik ako agad,” anitong hinalikan siya sa noo.Nang dumating si Kyle, agad nagpunta sa silid ni Sofie. Naka-hospital gown ang babae at may benda sa braso. Walang sugat sa mukha, ngunit halatang umiyak. Tumayo ito agad nang makita si Kyle at mahigpit na hinawakan ang kamay ng lalaki.“Kyle, you’re still the only person I want to see when I’m in pai
Last Updated : 2025-08-08 Read more