Tumunog ang cellphone ni Mira, isang notification ng incoming video call mula kay Jenny. Mabilis niyang pinunasan ang mga mata, inayos ang buhok, at pinilit magpinta ng ngiti sa labi bago pindutin ang accept.“Bes, kumusta ka na? Balita namin naospital ka,” bati agad ni Jenny na may bakas ng pag-aalala sa mukha.“Okay lang,” kasinungalingang sagot niya, pilit pinapakalma ang tinig.“Sus, palagi ka namang okay kahit hindi. Ano na nga ba ‘yun title nung series, it’s okay not to be okay. Minsan hindi masamang umamin o magsabi na hindi ka okay. Sa limang taong pagiging magkaibigan natin, palagi kang okay.”“Dami mong alam, bes. Okay lang ako.”Huminga nang malalim si Jenny bago magsalita, para bang nag-iingat sa ibabalita.“Mira, huwag ka sanang mabibigla, ha? Pero narinig ko at nakita ng dalawang mata ko… si Sofie ang pumalit muna sa’yo bilang assistant ni Kyle. Pansamantala lang naman siguro habang nagpapagaling ka.”Parang biglang may kumurot sa puso niya. Ramdam niya ang biglang init n
Last Updated : 2025-08-13 Read more