Pagbaba nila ng sasakyan, halos sabay-sabay na napasinghap sina Nanay Mel, Tatay Samuel, at Maya ng makita ang bagong tahanan.“Mira, anak, ang laki ng bahay!” bulalas ni Nanay Mel habang halos hindi makapaniwala sa nakikita. Malawak ang bakuran, bago ang pintura, at may bakod pa na kulay puti ang two storey house.Si Maya naman ay agad tumakbo papasok sa loob ng bakuran, halos tumalon sa tuwa. “Ate! May garden! At may swing pa!”“Anak, kumpleto din sa gamit!” ani Nanay Mel nang pumasok sa loob.Tahimik lang si Mira, pinapanood ang kasiyahan ng pamilya, pero mabigat ang kanyang dibdib.Pumasok sila sa loob at lalong namangha sa maluwag na sala, makintab na tiles, at bagong appliances.“Kung may hindi kayo nagustuhan, magsabi lamang kayo at papalitan natin. Feel at home dahil sa inyo na ito.”“Anak, Kyle, hindi ko alam kung paano ka namin mapapasalamatan,” mahina pero ramdam ang hiya sa boses ni Tatay Samuel.“Pero… hindi kami sanay na tumatanggap lang. Maghuhulog kami buwan-buwan para
Last Updated : 2025-08-11 Read more