เข้าสู่ระบบTahimik si Cassandra.Fiona crossed her arms. “Ayoko sa’yo, Cassey.”“The feeling is mutual,” aniyang humigop ng kape.“Pero mas ayoko sa babaeng sinungaling. Malilintikan ang babaeng higad na ‘yan,” ani Fiona.Napatingin sila sa isa’t isa.At sa kabila ng lahat, selos, inis, galit, at sakit, may kakaibang kasunduan na nabuo sa pagitan nila.Hindi friendship.Hindi pa.Pero alliance.Fiona leaned closer and whispered, “We need proof.”Cassandra’s grip tightened around the iced coffee.“Proof of what?”Fiona smiled.This time, it wasn’t pretty.It was dangerous.“Na hindi hika ang sakit ni Chelsea. Kundi pagiging makapal ang mukha at oportunista.”***Pagod na pagod si Cassandra nang umuwi siya nang gabing iyon.Hindi lang sa trabaho. Hindi lang sa pakikipag-usap kay Fiona. Hindi lang sa paulit-ulit na pag-iisip kung totoo ba ang hika ni Chelsea o isa lamang itong paraan para tawagin si Zion kung kailan nito gusto.Pagod siya sa lahat.Sa paghihintay.Sa pag-intindi.Sa pagiging asawa
“Umabsent tayo.”Tahimik na nakahiga si Cassandra, nakatalikod pa rin kay Zion. Ramdam niya ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya.Dati, isang yakap lang ni Zion, okay na siya.Pero ngayon, kahit nakayakap ito sa kanya, may parte ng dibdib niyang nananatiling manhid.“May pasok ako.”“Mag-excuse ka na lang.”Hindi siya agad sumagot.Sa dilim, nakatitig lang siya sa pader.Sinusubukan nitong bumawi.At iyon ang pinakamahirap sa lahat. Hindi pa niya kayang bitawan si Zion. In fairness naman kay Zion, minsan, maayos ang pakikitungo nito sa kanya at nararamdaman niyang mahalaga siya. O baka naman halusinasyon lamang niya ang mga ito.“Cass,” bulong nito. “Mamasyal tayo bukas.”Pumikit siya.Eleven months.Kailangan niyang mag-ipon ng alaala.Dahil balang araw, kapag wala na siya sa tabi nito, iyon na lang ang madadala niya.“Sige,” sabi niya sa wakas.Mas humigpit ang yakap ni Zion. Hindi ito nagsalita, pero naramdaman niya ang paghinga nitong bahagyang lumuwag.At ang nakakatawa,
Hindi nagsalita si Cassandra.Hindi na rin siya nagtanong.Nakatingin lang siya sa screen ng pelikula habang hindi na pumapasok sa isip niya ang kahit anong eksena. Narinig niya ang maikling sagot ni Zion.“I’ll be there.”Yumuko si Zion palapit sa kanya.“I need to go,” mahinang sabi nito. “Chelsea needs me.”Hindi may emergency.Chelsea needs him.Parang hindi siya maiiwan sa gitna ng madilim na sinehan.Ngumiti si Cassandra.“Okay. Ingat.”Nagtagal ang tingin ni Zion sa kanya. Para bang may hinihintay ito.Pero wala siyang sinabi.Tumango ito, saka tumayo.Pinanood niya itong lumabas sa row, bumaba sa aisle, at tuluyang mawala sa pintuan ng sinehan.Tila niyakap siya ng dilim.At biglang napakalaki ng bakanteng upuan sa tabi niya.Tumatawa ang mga tao sa paligid.May romantic scene sa screen.Pero si Cassandra, nakatitig lang.Hindi niya maintindihan ang palabas. Hindi niya alam kung bakit tumatawa ang mga tao. Ang alam lang niya, bakante ang upuan sa tabi niya.At iyon ang mas mas
Nanginginig ang kamay ni Cassandra, pero hindi siya umatras.“Sinungaling ka! Hindi ka niya mahal bakit ka niya papatulan,” gigil niyang sabi.“Hindi ka rin sigurado kung mahal ka niya.”Parang sinampal siya.Pero bago pa siya makasagot, bumukas ang sliding door.Bumalik si Zion.At sa isang iglap, nagbago si Chelsea.Parang pinindot ang switch.Naglaho ang tapang. Lumambot ang mukha. Namasa ang mata. Bahagya itong napaatras na para bang siya ang nanakit.“Sir Zion,” sabi nito, nanginginig ang boses. “Sorry po...”Kumunot ang noo ni Zion. “What happened?”“Mukhang nagagalit po si Ma’am Cassandra.” Yumuko si Chelsea, pinunasan ang kunwari’y luha. “Naiintindihan ko naman po. Asawa ninyo siya.”Hindi siya nagsalita.Hindi niya dinepensahan ang sarili.Hindi niya sinabing nagsisinungaling si Chelsea.Hindi niya sinabing ilang segundo lang ang nakaraan, ibang babae ang kaharap niya.Tiningnan lang niya si Zion.At sa katahimikan nito, naramdaman niyang ito na ang sandaling magpapakita kung
Kinagabihan, nadatnan ni Cassandra ang isang mamahaling paper bag sa ibabaw ng dining table.Hindi niya agad iyon ginalaw.Alam niya kung kanino galing. Kahit walang pangalan. Kahit hindi niya pa binubuksan.Nakatayo si Zion sa may counter, tahimik na pinapanood ang reaksiyon niya. Nakasuot ito ng simpleng black shirt, mukha pa ring malamig at kontrolado, pero may bahagyang tensiyon sa panga nito na hindi na nakakalusot sa kanya.“Para sa’yo,” sabi nito.Dahan-dahang nilapitan ni Cassandra ang paper bag. Nang buksan niya iyon, tumambad sa kanya ang isang mamahaling bag.Maganda.Mahal.Pero walang kahit anong init na dumampi sa dibdib niya.Dati, baka kinilig siya. Dati, baka pinaniwalaan niyang iniisip siya ni Zion. Dati, baka hinawakan niya iyon na parang patunay na may lugar siya sa buhay nito.Pero ngayon, iba ang dating.Parang hindi regalo. Parang pantakip sa sugat na ito rin ang gumawa.Ibinalik niya ang bag sa paper bag at itinulak palayo.“Hindi ako si Chelsea.”Natigilan si
Tiningnan ni Cassandra si Zion. “So boyfriend ka niya, Zion?”Nagbago ang mukha nito. Hindi galit. Hindi rin guilty.“Hindi,” sabi nito, kalmado pero mabigat ang boses. “Hindi ako boyfriend ni Chelsea.”Dapat nakahinga siya.Dapat gumaan ang dibdib niya.Pero hindi.Dahil kapag sobrang sakit na ng sugat, hindi sapat ang isang salita para maging gamot.“Bakit ganito ang sinasabi niya sa public?” tanong ni Cassandra. “Bakit hinahayaan mong ganito ang dating?”“Hindi ko alam na ganyan ang sinasabi niya.”“Hindi mo alam.” Napangiti siya nang mapait. “Ang dami mong hindi alam kapag ako na ang nasasaktan.”Umigting ang panga ni Zion. “Wala kang dapat ipagselos.”“Hindi mo puwedeng sabihin na wala akong dapat ipagselos habang may babaeng nagsasabing boyfriend ka niya.”“Cass --”Lumapit si Zion at inabot ang kamay niya, pero mabilis siyang umatras.Natigilan ito.At sa maliit na pag-atras na iyon, parang may nabasag din sa mukha nito.“Cass, look at me.”“Bakit?” tanong niya, basag ang boses
“Seb, hindi na ako virgin. May naunang lalaki--” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil humagulgol na siya ng iyak.Kitang kita niyang tila nasabugan ng bomba si Sebastian. Napatingin ito sa kanya, nanlilisik ang mata.“Ano'ng ibig mong sabihin?” anitong puno ng panlulumo.“Hindi ikaw ang unang
Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang kalsada. Ang malamig na aircon ay hindi sapat para pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ni Jenny. Pinag-iipunan niya ang lakas ng loob.“Sebastian… may kailangan akong aminin sa’yo tungkol sa nangyari sa bar.”Dahan-dahang ibinaba ni Sebasti
Maagang nagising si Jenny, halos hindi nakatulog nang maayos. Nakahiga pa rin si Sebastian sa tabi niya, mahimbing at gwapong-gwapo ito parang napakaamo ng mukha. Paano niya matatakpan ang kissmarks?! Napasapo siya sa leeg nang maalala ang iniwang marka kagabi.Nagmamadali siyang bumangon at pumaso
Tahimik na kumukuha ng mainit na tubig si Jenny sa dispenser nang mapansin niyang biglang natahimik ang tatlong kasamahan sa gilid na nakasabay niya sa pantry.Habang nagtitimpla ng kape, narinig niya ang pabulong na usapan na alam niyang sadyang ipinaparinig sa kanya.“Hindi na ako magtataka kung







