Nailabas ni Mira ang naipong sama ng loob. Niyakap siya ni Jenny at tinapik ang kanyang likod.“Ganito gawin mo,” sabi ng kaibigan ng mahimasmasan siya. “Huwag kang mag-panic. Mag-test ka mamaya, sa bahay, para walang istorbo. Tapos kapag sure na, saka mo na lang isipin kung paano sasabihin kay Kyle. Mukha namang matutuwa ‘yun at magkakaroon na siya ng tagapagmana.”Pinahid niya ang luha. “Parang ang dali lang sa’yo sabihin, ah. Hindi ganoon kadali iyon.”“Huwag kang mag-overthink. Nagwo-worry ka sa bagay na hindi pa naman nangyayari. Ganyan talaga ang pag-ibig, may kasamang pighati hindi lang puro saya. Pero sa huli, pustahan tayo, kapag tinanong kita kung uulitin mo lahat ng ginawa mo, oo pa din ang sagot mo. Worth it pa din talaga ang magmahal.”“Wow, coming from you. Eh, wala ka ngang boyfriend, Jen.”Natawa ito, bahagyang umirap. “Hello? Wala akong boyfriend pero marami akong napanood na drama at teleserye. Sa dami ng episodes na napanood ko, para na akong eksperto sa usapang pag-
Last Updated : 2025-08-15 Read more