Nang humupa ang tawanan ng maglola ay nagyaya na si Mamang na uminom ng tsaa at pagkatapos ay iginiya niya ako patungo sa kanyang mga orchids na napakaraming bulaklak. “May aayusin lang ako sa study room. Tawagan mo ako kapag susunduin ko na kayo,” bilin ni Abe sa akin bago humalik sa amin ni Mamang."Okay," maiksi kong sagot."Don't miss me too much," pahabol pang biro ni Abe habang naglalakad palayo na ikinailing ko na lang.Nang makaalis ang lalaki, tahimik kong pinagmasdan si Mamang habang masaya siya na tinitingnan ang kanyang mga orchids.“Apo, pasensiya ka na ha?” halos pabulong na sabi ng matanda.“Bakit po Mamang?” nagtataka kong tanong. Ano ba ang gusto niyang pagpasensiyahan ko?“Sa pamilya namin,” mahina ang boses niyang sabi. “Hiyang-hiya ako sa sinapit mo at bilang pinakamatanda sa pamilyang ito, humihingi ako ng paumahin at pang-unawa sa iyo.”“Mamang…” mahina kong sabi.Umiling siya. “Hindi perpekto ang pamilyang pinakasalan mo. Sa totoo lang, mabait naman noon si Jacq
Last Updated : 2025-09-22 Read more