“Love,” mahaba ang nguso na sabi ni Abe na lalapit sana sa akin para yumakap pero umatras ako.“Huwag mo akong lalapitan, hinawakan ka ng ibang babae,” inis kong sabi at saka siya nilayuan.“Hindi ko alam na darating siya tapos dumiretso siya dito sa opisina ko,” paliwanag niya.Tumaas ang kilay ko. “Ako nga Abe hinaharang pa ng receptionist mo kahapon, pero siya puwedeng dumiretso sa opisina mo?”“Pagpasok ko galing sa meeting nandito na siya. Pinapaalis ko na siya pero nagmamakaawa siya na mag-lunchout kami. Iyon na ‘yung inabutan mo,” paliwanag ulit ni Abe.Hindi ako nagsalita.“Love, bati na tayo,” lambing niya at aktong lalapit pero pinanlakihan ko siya ng mga mata ko.“Ibang klase rin. Maganda naman siya bakit isinisiksik pa rin niya ang sarili niya sa may asawa na?” satsat ko pa habang inaayos sa mesa ang pagkaing dala ko.“Baka akala niya hindi totoo,” alanganing sagot ni Abe.Umangat ang tingin ko sa kanya. “Sa susunod na makita ko ang babaeng iyan na didikit-dikit sa iyo isus
Last Updated : 2025-09-06 Read more