“Leslie, dumudugo na ang ilong mo?” kunot ang noo ni Cath.Naglingunan ang lahat sa babae habang napahawak naman ang babae sa kanyang nguso na tuyo naman at walang dugo.“‘Yan kasi, imbes nag-aaral ka noong college tayo, inuuna mo pa ang panlalandi at pang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend,” umiiling pang sabi ni Cath.Nanlaki ang mga mata ng magulang ng babae sa sinabi ni Cath. Kokontrahin sana ni Leslie si Cath pero muling nagsalita ang kaibigan ko na kaht ilang ulit ko na pinanlakihan ng mata ay ayaw papigil.“Hindi niyo po ba alam iyon, Mr. and Mrs. Tiangco, na imbes nag-aaral ang anak ninyo ay nasa kung saan-saang resort at may kasamang mayayamang lalaki dito sa Claveria?” eksaheradong tanongi ni Cath.Sumama ang mukha ng mag-asawa. “Hija, hindi magandang manira ng kapwa babae. Magkakaklase ba kayo dati?” seryosong tanong ni Mr. Tiangco.“Hindi po, Sir. Magkaiba po kami ng program pero sikat na sikat po ang anak ninyo sa buong Claveria State University,” sabi pa ni Cath bago ko
Last Updated : 2025-10-01 Read more