Nanlaki ang mga mata ko na napatingin kay Ms. Mona na biglang napatayo sa kanyang mesa sa narinig na sigaw ng matanda. Kasunod ay ang paghagulgol ni Brianna. Nag-aalala akong pumasok at inilapag ang dala kong bottled water at baso sa isang mesa sa gilid.“I’m so sorry, lola! Hindi ko alam na lola kayo ni Johan,” umiiyak na sabi ng babae.Napasinghap si Mamang. “Who are you to call me, Lola?”Pinunasan ng babae ang kanyang mukha. “Ako po si Brianna, anak ni Vice Mayor Savannah Chavez.”Nagsalin ako ng tubig sa baso para kay Mamang pero nangimi akong lumapit dahil kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha.“And, so?” aristokrata niyang sagot na tinaasan pa ng kilay si Brianna.“Magkaibigan po ang mga mommy namin ni Johan,” sabi ulit ng babae.Tinapunan nang tingin ng matanda si Mrs. Ulanday. “Who hired this uncouth woman?”Napalunok si Mrs. Ulanday. “I am sure my grandson will not hire someone like her,” mariing sabi ni Mamang.“She applied to our job posting, Madam,” takot na paliwana
Last Updated : 2025-09-12 Read more