Tumaas ang isang kilay ko at hindi napigilang mapangiti. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatingin sa akin sina Abe at Mamang parang inoobserbahan ako habang hindi makapaniwala ang iba pang nasa loob ng boardroom sa sinabi ni Cassandra.“Ms. Razon, you are crossing the line,” pagsita sa kanya ng isang board member.“What?” eksaheradang sabi ng babae bago ako nilingon. “I am just telling the truth! Sino ba kasi siya para maging asawa ni Johan? She’s no—”“At least, I am not a home wrecker,” pambabara ko sa kanya. Napatingin sa akin ang lahat, napatayo si Abe at rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mukha siguro dahil alam niyang galit na ako. “Hindi ako nagmula sa mayaman at sikat na pamilya, pero hindi ako susubok na mang-agaw ng lalaking hindi sa akin, lalo na kung kasal na,” mariin kong sabi.Inilang hakbang lang ako ni Abe, akmang yayayain na akong lumabas ng boardroom.“Bakit ako ang aalis sa silid na ito?” tanong ko sa lalaki.Hindi nakagalaw si Abe. Sinenyasan siya ni Ma
Last Updated : 2025-10-10 Read more