“Good morning, my love!”“Ate, nandito na ulit si Ayah.”“Anak, gumising ka na. May iku-kuwento ako sa iyo.”Napakunot ang noo ko sa mga narinig kong salita mula sa pamilya ko. Kanina lang naman ay naglalaro kami ni Ayah, bakit sinasabi niya na nandito na siya ulit? At saka bakit sabi ni Inay gumising na ako, eh kanina nga lang naglalaro kami ni Ayah.Teka nasaan ba sila? Bakit boses lang nila ang naririnig ko?May gumagap sa kamay ko at hinawakam iyon nang mahigpit.“Apo, nami-miss ko na ang mga ngiti mo.”Si Mamang iyon! Pinisil ko nang mahigpit ang kamay ng matanda at saka pinilit ng aking mga mata na makita siya.“Doc! Doc! Gising na ang asawa ko!”Gising? Nakatulog ba ako?Sinubukan kong idilat ang aking mga mata ngunit nasisilaw ako kaya muli akong pumikit. “Mrs. Dela Torre, Mrs. Dela Torre, gising po!”Iniangat ko ang aking kamay para takpan ang aking mga mata at narinig ko ang tila sabik nilang mga reaksiyon. Binuksan ko ang aking mga mata.“Good morning, Mrs. Dela Torre!” pag
Huling Na-update : 2025-10-18 Magbasa pa