Saan nga ba ako pupunta? Wala naman akong ibang pupuntahan sa Claveria kung hindi sa bahay, sa talon o sa mansyon. Kaya sinabi ko na lamang na ihatid ako sa bahay. Hindi ko kayang nakikita si Abe na nalalapit sa ibang babae lalo na kung alam kong may gusto iyon sa kanya. Siguro nga ay selosa ako at ngayon ko lang nadiskubre pero puwede ring takot na akong maagawan muli. Pababa na ako nang mapansing wala akong dalang bag kaya napabuntong-hininga na lamang ako. “Kuya, pahintay po sandali. Kukuha lang ako ng pamasahe.”“Sige, miss,” seryoso nitong sagot. Nagmamadali kong tinakbo ang bahay namin, mabuti na lamang at naroon sina Inay at Ayah na kapwa bahagyang nagulat nang makita ako. Nanghiram ako kay Inay ng pera at saka ibinigay sa tricycle driver na naghatid sa akin.“Mabuti naman anak naisipan mong umuwi,” nakangiting sabi ni Inay pero hindi umabot iyon sa kanyang mga mata na para bang pinakikiramdaman niya ako.“Bigla ko po kasing na-miss ang luto ninyo,” pagpapalusot ko.Tumang
Last Updated : 2025-10-13 Read more