Nag-aalmusal ako nang tumunog ang doorbell kaya binuksan ni Inay ang pinto. “Good morning, Inay!” narinig kong bati ni Nathan at nang nilingon ko siya ay nagmamano siya sa nanay ko. “Good morning, hijo! Nag-almusal ka na ba?” mainit na pagtanggap ni Inay sa kanya. Kumamot siya ng kanyang ulo at saka ngumiti. “Hindi pa po, puwede po ba ako maki-almusal? Miss ko na ang luto mo.” “Oo naman!” ani Inay. “Halika!” Nakangiting lumapit sa akin ang lalaki. “Good morning, ba–!” Tinaasan ko siya ng kilay. “Babies!” ngumiti siya ng malawak. “Huwag kang assuming! Mga anak mo ang binabati ko!” Umiling na lang ako. “Umupo ka na para kumain.” “Kakain talaga ako! Luto ito ni Inay!” parang batang sabik na sabik sa lutong bahay na sabi ni Nathan. Palibhasa puro trabaho ang ginagawa kaya laging takeout ang kinakain niya. Muling tumunog ang doorbell kaya ako na ang tumayo dahil nagtitimpla pa ng kape si Inay. “Ako na po, Inay.” Pinagbuksan ko ng pinto si Abe na mabilis akong niyakap gamit ang
Last Updated : 2025-11-06 Read more