Natuod ako sa aking narinig at tila huminto ang puso ko sa pagtibok. “Si Inay, huwag ninyo pababayaan. Update me pagdating sa ospital!” malakas ang boses ni Abe.Napahawak ako sa dingding nang maramdam kong nangangatog ang aking tuhod. Eksaktong napalingon si Abe sa akin kaya agad niya akong nasaklolohan. “Love!” “Abe, anong nangyari sa kapatid ko?” naiiyak kong tanong. “Nakita siya ni Inay na nasa sahig. Pag-check ng tao natin, mahina ang pulso niya. Papunta na silang ospital noong tumawag sa akin,” aniya habang inaalalayan ako. Iginiya niya ako sa upuan sa labas ng grand ballroom at doon kami umupo. Humapdi ang puson ko at napahawak ako roon. Kailangan kong kumalma dahil hindi puwedeng maapektuhan ang magiging anak namin.“Love, kalma lang muna tayo ha?” bulong ni Abe pero kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.“Balik na tayo sa Claveria, Abe. Gusto kong makita ang kapatid ko,” naiiyak kong sabi.Tumango siya at may tinawagan para ipahanda ang Chopper. Naglakad na rin kami patu
Last Updated : 2025-10-25 Read more