Katalina’s point of view “Bro, drop me off near the intersection. May dadaanan pa pala ako,” biglang sabi ni Hugo. Oh, mag commute lang siya? Bakit kasi iniwan niya ‘yung kotse niya sa parking lot ng company. Ginusto pa niya makisabay sa kaibigan niya. Or, baka may susundo sa kanya? Tumango lang si Zach at kumabig pakaliwa. Ilang minuto pa, huminto na ang sasakyan at bumaba si Hugo. Kinatok niya ang bintana ng passenger seat kaya binaba ko ang salamin. Nakangiti itong nagpaalam sa akin. “Bye, Nice meeting you again, Katalina. Ingat kayo.” Tipid naman akong ngumiti saka nagsalita. “Nice meeting you din, Ingat ka din pag-uwi.” “Thanks.” Binalingan niya ang kaibigan. “Thanks Bro, ingat kayo. See you again next time.” Hindi naman kumibo si Zach, napailing na lang ako at si Hugo. “Wala na sa mood ang boss mo Katalina, Sige na, ingat kayo. Bye!” “Ingat ka din, bye.” Sinarado kona ang bintana, nakangiting kumaway si Hugo bago paandarin ni Zach ang sasakyan. Kami
Terakhir Diperbarui : 2025-09-01 Baca selengkapnya