KATALINA 7:21 AM. Maaga akong dumating sa opisina, Tahimik ang buong floor, gusto ko ‘yung ganitong katahimikan—yung parang may breather bago magsimula ang isang mabigat na araw. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa desk ko, kinuha ko ang mug ko, at dumiretso sa pantry para gumawa ng kape. Maaga ako ngayon dahil marami akong tambak na trabaho. Gusto ko simulan agad. Habang humihigop ng kape, bumalik ako sa desk ko, binuksan ang laptop, at agad nag-check ng email. Marami akong kailangang balikan—campaign updates, marketing reports, client follow-ups. Pati ‘yung mga naiwan ko nung nag-leave ako, lahat 'yon naka-pending pa rin. Perfect distraction. Kailangan ko ng distraction. Kagabi, halos hindi ako nakatulog. Paulit-ulit lang sa isip ko ‘yung nangyari sa elevator. The way he looked at me. The way his voice dropped when he said my name. Ang tapang ng mga salita niya, Ang mga ekspresyon niyang hindi mawala sa isip ko. Andaming tanong na naiwan sa akin pagkatapos ng gabing
Last Updated : 2025-08-07 Read more