“Oo, ate… mahal ka ni Noah.” Nagulantang siya sa sinabi ni Athena. Ni minsan ay hindi niya nakita o nahalata ‘yon. Hindi rin sila malapit at bihira magkita kaya hindi niya iyon napansin. “Palagi siyang pumupunta sa bahay para kumbinsihin si dad, palagi ka kasing busy noon sa paghahanda ng kasal kaya hindi mo siya nahaharap. Narinig ko na kinukumbinsi niya si dad na sa kanya ka ipakasal, pero ayaw ni dad… kasi alam ni dad na si Nickolas ang gusto mo.” “I-isang gabi dumating siya na lasing na lasing… h-hinahanap ka niya, ate…” nagsimulang gumaralgal ang boses nito kasabay ng walang patid na pagdaloy ng luha nito. “W-wala kayo nila dad noon kaya hinarap ko siya… a-akala niya ako ay ikaw. A-ate, pinagsamantalahan niya! B-binab0y ako ni Noah!” “A-ano?” No… this must be a joke. Gusto niyang sabihin na nagsisinungaling lang ito at hindi iyon totoo. Mas gusto niyang isipin na biro lamang iyon kaysa totoo.
Last Updated : 2025-08-30 Read more