Pagkagising niya ay nasa hospital na siya, nalaman niya kay Dingdong na dinala siya ni Nickolas dito ng mawalan siya ng malay. Madalas talaga mangyari ito sa kanya lalo na noong naunang dalawang taon ng maaksidente siya kaya hindi na siya nagulat at nagtaka ng mangyari ulit ito sa kanya.Nang makita ni Dingdong na nagising na siya ay nilapitan siya nito. “Tungkol sa resulta ng test mo sa tenga—“ sumenyas dito na hindi siya interesadong malaman, bumuntonghininga ito pero hindi na nagpumilit pa, mayamaya ay nagtext si Ned at Kenya mula sa states para kamustahin siya, sinabi naman niya na ayos lang siya at wag ng mag alala sa kanya. Pagdating ni Chin ay agad na kinastigo siya nito. “Bakit naman ayaw mong malaman ang resulta? May chance pala na makarinig ka pa, alam mo kahit maliit ang chance malaking bagay parin ‘yon, kasi hindi lahat ay kagaya mo na pwede pang makarinig at makapagsalita,” Malungkot siyang sumenyas dito, “Hindi mo naiintidihan, ayoko lang
Last Updated : 2025-08-26 Read more