“Welcome back!!!” Masayang senyas ni Chin at ng mga bata, tumakbo ito at masayang yumakap sa kanya, maging si Mrs. Valdez ay masayang sinalubong siya. Nagdalawang isip siya no’ng una na bumalik dahil naisip niya ang shop niya, pero hindi naman niya matanggihan ang alok, at isa pa namimiss niyang bumalik, saka pwede naman niyang ipagpatuloy ang shop niya dito sa Pinas. Naging emosyonal siya ng lapitan siya ni Jimboy kasama ng ibang bata na may dalang cake, ang ilan sa mga ito ay malalaki na at natatandaan pa siya, dalagita at binatilyo na nga ang ilan sa mga ito, bawat isa may talento, may magaling magpinta, may magaling maggitara, at may magaling sumayaw, pero depende parin sa kapansanan ng mga ito. “Nag alala ako na hindi mo tanggapin ang alok ko, salamat at bumalik ka, Catherina,” senyas ni Mrs. Valdez, siya daw kasi ang minungkahi ng lahat na pumalit rito dahil malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya na magagawa niyang gampanan ng ma
Last Updated : 2025-08-24 Read more