Masakit ang katawan ng magising si Aiah. Kung hindi kumalam ang tiyan niya ay hindi siya babangon. Gutom na gutom siya ng umupo. Napansin niyang iba na ang suot niya. Hindi na ito malaking tshirt kundi bestida na bulaklakin na. Amoy bagong laba pa. Mukhang nilabhan ito ni Noah bago ipasuot sa kanya. ‘Teka… speaking of Noah. Nasaan na naman kaya ito?’ Napangiwi siya ng tumayo siya. Ang sakit ng gitnang bahagi ng katawan niya sa walang tigil na paggalaw sa kanya nito. Pagod na pagod na siya, antok at gutom subalit hindi parin ito tumigil na parang sabik na sabik sa kanya. “Aiah, sa akin ka lang!” Namula siya ng maalala ang sinabi nito. Ayaw niyang inaangkin siya nang iba na parang pag-aari pero pagdating kay Noah ay wala siyang makuhang inis. Bagkus ay kusang loob siyang nagpaubaya dito at hinayaan itong tatakan siya. Ang daming bagong marka sa katawan niya. Mula sa leeg, dibdib at hita. Grabe ito pumapak. Nakakapanghina pero napakasarap, gusto ng katawan niya na sana maulit p
Last Updated : 2025-09-09 Read more