Kumunot ang noo ni Noah ng mabasa ang report tungkol sa babaeng nakatalik niya dalawang buwan na ang nakakaraan. Ito pala si Aiah Castañeda, ang anak ni Ruel Castañeda, ang may ari ng isang malaking construction firm sa bansa. Isang taon na simula ng kunin ito ng ama sa Maynila at dalhin dito sa Bicol. “Ayon sa nalamam ko, kinukulong nila si Miss Aiah kasama ang maraming bantay, Sir. Hindi nila hinahayaang lumabas siya, ang gusto nila ay makasal muna siya sa fiancee niya.” Nagdilim ang mukha niya ng mabasa na mayrooon ng fiancee ang dalaga. Then why she gave herself to him if she has? Dismayadong umiling siya. Ang pinakaayaw niya sa lahat ‘yung mga babaeng kagaya nito—mapaglaro, kagaya ni Sunny. Pero agad na kumunot ang noo niya at bumaling sa inutusan niya. Kinukulong? Ibig sabihin ay sinisiguro ng magulang nito na hindi ito tatakas? Kung gano’n ay posibleng hindi nito gusto a
Last Updated : 2025-09-06 Read more