Dalawang araw pa ang lumipas bago nagising si Noah. “Ma’am, si Sir Noah gising na siya!” Nagmamadaling pinuntahan ni Catherina ang anak. “Where’s Aiah?! Tell me where is she! P-Please, dad, I’m begging you, bring her to me!” Nangilid ang luha niya ng makita ito. Ibang-iba ito sa anak niya na malamig at matapang noon. He was hurt and suffering, para itong batang humahagulhol at nagmamakaawa, paulit-ulit nitong tinatawag si Aiah at ang anak nila. “N-no, that’s not true. M-my princess is alive. D-Dad, n-nagmamakaawa ako, d-dalhin ninyo ako sa mag ina ko. G-Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makasama.” Pinagtulungan itong hawakan para awatin na huwag lumabas, nanghihina pa ito at hindi pa nakakabawi ng lakas kaya kailangan nito magpahinga. Dahil malaking tao rin ito kagaya ng ama nito ay nahirapan itong pigilan ng dalawa, kinailangan pa ng limang tao para ilugmok ito sa kama. “M-mommy… si Aiah, sabihin mong ligtas siya. I’m begging you…” Tumalikod siya at humagulhol n
Read more