Inipon niya ang itinapong gamot na ini-inject kay Noah, palihim ring nililista niya ang mga gamot na pinapainom dito kapag may pagkakataon siya. Kailangan niya iyon sa pagtakas nila, kaya hindi siya nagpadalos-dalos sa pag alis at desisyon. Mahalaga ang kalusugan nito, kaya hindi niya ihihinto ang gamutan nito.   Nagmamadaling kinuha niya sa basurahan ang nakita niyang itinapon ng nurse nitong si Allan. Tinago niya agad sa bulsa niya ang maliit na botelya ng gamot ng makarinig ng yabag. Importante kasi ito. Napansin niya na kada umaga ay tinuturok ito.  “Aiah, kanina pa kita hinahanap. Halika dito,” tawag sa kanya ni Aling Manda. “Tingnan mo ‘tong bestidang nabili ko sa palengke kanina, ang ganda di’ba? Sukatin mo sigurado akong bagay ito sa’yo.”  “Aling Manda, naman. Ang laki naman nito, ang payat ko lang kaya.” Reklamo niya ng makita kung gaano ito kalaki.  “Malaki ba? Ay akala ko kakasya. Bweno pagtiyagaan mo na ito, kakasya din sayo ‘to kapag lalong lumaki ang tiyan mo.“ hinil
Last Updated : 2025-09-19 Read more