“Oh narito pala ang secretary mo, Mr. Quinn. May i borrow her for a while?” Secretary kasi ang pakilala ni Nick noon sa kanya, hindi lang dito, maging sa iba pa. Hindi tumutol si Nick, ngunit bago siya makalayo kasama ang ginang ay binigyan siya nito ng babala sa pamamagitan ng tingin. Parang sinasabi na ‘Shut the fvck up’ katulad ng madalas nitong sabihin sa kanya noon. “Iha, I’m glad to see you again.” Ani ni Mrs. Salcedo ng masolo siya nito. Kagaya ng ibang bisita ay sumisigaw sa kumikinang ang ayos ng ginang. Mamahalin ang suot nito mula ulo hanggang paa, kumikinang ang suot nitong mga alahas na kung hindi siya nagkakamali ay sa mga auction pa nabibili. Masuyong ginanap nito ang kanyang kamay, at magaan siyang nginitian. “Gusto ko ulit magpasalamat sayo. Kung hindi dahil sayo ay baka wala na ako ngayon. Dahil sa ginawa mo ay nakasama ko pa ng matagal ang asawa at mga anak ko. Marami talagang salamat sayo, iha.” “Naku wala ho iyon, Mrs. Salcedo. Kahit sino naman po ay
Last Updated : 2025-07-28 Read more