Puno ng luha ang mga mata na tumingin siya sa magulang. “W-wala akong kasalanan… m-maniwala kayo sa’kin. M-mommy, d-daddy, w-wala po akong ginawang masama…” Hindi… wala akong kasalanan… WALA! UMUNGOT siya at impit na umiiyak… nilalamig siya at hindi makagalaw. Napainit ng pakiramdam niya, parang sinusunog ang bawat himaymay ng balat niya, hindi lang ‘yon, napakasakit ng katawan niya na parang nalamog. May trangkaso yata siya. Dumilat siya at tumingin sa kisame. Nanghihina na tinaas niya ang kamay niya… may luha pala ang kabilang panig ng pisngi niya. Umiiyak na pala siya dahil sa masamang panaginip niya. “N-nick…” nanunuyo ang lalamunan niya. Gusto niyang humingi ng tubig pero parang wala siyang lakas. ‘Nasaan ako?’ Nandito parin ba sa hotel? Anong oras na? Malakas parin ba ang ulan? Naramdaman niya ang paglapat ng basang bagay sa noo niya, may umayos din ng kumot sa katawan niya. Si Nick… naaamoy niya ang pamilyar na mabangong amoy nito. Hindi ito umalis para
Terakhir Diperbarui : 2025-07-28 Baca selengkapnya