Nag aalala na nilapitan ni Jerry ang amo niya. Napakamot ito sa ulo ng makitang lasing na naman ito. Magulo na ang buhok, tabingi pa ang pagkakasuot ng necktie, hindi siya sanay na makita itong ganito. Nakita lang si ma’am Catherina nagkaganito na ito. “Tulungan niyo akong dalhin si sir sa kotse, tara!” Utos niya sa mga kasama niya. Nag aalangan na lumapit ang mga ito, halatang natatakot. Nitong nakaraang araw lang kasi ay nagwala ito ng sapilitan nilang iuwi, nagbanta ito na lagot sila kapag sumuway. Pero ito ang bilin ng mommy nito kaya wala silang magawa kundi sunduin ito. “Wag kayong mag alala, si ma’am Kalea ang bahala sa atin!” Nagulat ang mga tumayo si Nick. Sinundan siya nila Jerry hanggang sa sasakyan. Gusto sana ng mga ito na pigilan siyang magmaneho subalit pinaharurot na niya ang sasakyan. Nang makababa ay pawis na pawis si Jerry at mga kasama nito, namumutla pa ang mga ito. “W-woah! A-akala ko sa langit na ang bagsak natin eh!” Bumaba si Jerry, muntik pa itong ma
Last Updated : 2025-08-15 Read more