Umupo siya sa isang bench na naroon at pagod na uminom sa mineral water na dala niya. Nahirapan siyang maghanap ng trabaho dahil undergraduate siya. Pero may ibang hindi tumingin sa background niya kundi sa experience niya, kaya malaki ang chance na matanggap siya. Tumingin siya sa mga babaeng papasok ng isang night club. Ang gaganda ng suot ng mga ito, todo makeup, naka-alahas, balingkitan at nagtatawanan, halatang nag eenjoy at masaya. Hindi niya man lang naranasan ang magbuhay dalaga. Ang aga niya kasing nag asawa. Wala na siyang inisip kundi ang lalaking ‘yon at maging ulirang asawa dito. Ang paglutuan ito, ang hintayin sa pag-uwi, ang alagaan ito kapag may sakit, ang pagsunod sa mga utos nito ang naging top priority niya. Pero kahit minsan ay hindi siya naging top priority, o kahit second option man lang.
Last Updated : 2025-08-10 Read more