Naningkit ang mata ni Anzel habang nakatingin sa kanya. Kanina pa kasi siya pakanta-kanta. Maganda kasi ang mood niya. Siyempre nadiligan siya, not one, not two, but five. Sinong hindi sasaya? Nangako si Prime sa kanya na babalik kaya hindi na siya makapaghintay na makita ito. “You look… happy.” Hindi nakatiis na puna ni Anzel. “Bakit? Masama ba maging masaya?” “Palibhasa kasi wala kang love life.” Bulong niya sa huling sinabi. “Ah ang sabi ko… siyempre kasi legal pala kaming kasal ng asawa ko.” Dugtong niya. Napangiti siya. Parang kailan lang ayaw niyang magpakasal dito. Ngayon ay nakatali na sila sa isa’t isa ngayon. Totoo nga ang sinasabi nila, wag magsasalita ng tapos. Aayaw-ayaw pa ito, hindi daw papatol sa kanya pero sa huli ay mamahalin pala siya. “Hindi mo na ako kailangan bantayan, okay? Wag kang mag alala hindi ako tatakas.” “Tss. Good. Dahil hindi matutuwa sila mommy kapag may nangyari sayo.” Ani nito. Bumuntonghininga siya at malungkot na nagsalita. “Anzel,
Last Updated : 2025-11-13 Read more