Lalong lumakas ang hinala niya ng maalala ang cravings niya at pagsusuka niya at pagkahilo tuwing umaga. “I think… I’m pregnant.” Lumunok ito, kinabahan siya. Akala niya magugulat ito. Iyon agad ang pumasok sa isip niya. Pero hindi, sinapo nito ang mukha niya at hinalikan ang labi niya. Matagal iyon, nakakaubos ng hininga. Nang bumitaw ito sa kanya ay mumunting ngiti ito sa labi, kumikislap din ang mata nito ng tumingin sa kanya. Pinangko siya nito. “This is why I want to show you something.” Dinala siya nito sa taas, akala niya dadalhin siya nito sa kwarto nila pero sa pinakadulong silid siya nito dinala. Her lips parted when they entered the room. Naluluha siyang tumingin ng makita na baby’s room ito. Ang kalahati ay baby blue ang theme, samantalang ang kalahati naman ay baby pink. “Ako mismo ang nagdisenyo nito para sa magiging anak natin. Sana magustuhan mo.” “You knew?” Umaawang muli ang labi niya ng tumango ito. “Yup. I noticed it. Gusto kong ikaw ang unang makapa
Last Updated : 2025-11-22 Read more