Luhaan na tumingin si Athena sa puntod ng anak ng kapatid niya, awang-awa na niyakap siya ni Owen dahil walang patid ang pagluha niya, “O-Owen, sa tingin mo mapapatawad ako ni ate sa ginawa ko? Ang laki ng kasalanan ko sa kanya, siguro iniisip niya na wala akong kwentang kapatid at wala akong utang na loob, akala niya siguro kinalimutan ko ang sakripisyo niya para makatapos ako. A-ano ang gagawin ko, Owen… tulungan mo ako, hindi ko na alam ang gagawin ko, ayaw ko lang naman mawala ang anak ko at maging miserable ang buhay niya kaya ginawa ko ‘ang lahat ng iyon sa kanya,” “Shhh, wala kang kasalanan, Athena, biktima ka lang rin, kapag nalaman ng ate mo ang totoo maiintindihan niya kung bakit mo ginawa iyon. You know your sister, Athena, hindi siya mababaw na tao,” alo ni Owen rito, “Oo hindi mababaw na tao ang ate ko, pero sobra siyang nasaktan, kayang baguhin ng sakit ang isang tao at alam mo iyon, Owen.”
Last Updated : 2025-08-20 Read more