Kira’s POV First birthday ngayon ni Midnight. Simple lang ang celebration namin dito sa Tuscany, Italy. Tahimik, malayo sa mga intriga at mata ng mga taong walang ginawa kundi siraan ako. Hindi ko akalain na ganito pala kasarap ang buhay kapag wala kang iniisip na press, walang naghihintay na headline tungkol sa personal mong buhay. Si Anthony, nakaupo sa terrace habang buhat-buhat si Midnight na may maliit na party hat. Ako naman, abala sa pag-aayos ng mesa. May cake, may ilang lobo, at mga malalapit lang naming kaibigan at clients na naging parang pamilya na rin namin dito sa Italy. “Midnight, say happy birthday!” sabi ko habang nilalapit ko ang cake sa kaniya. “Da-da!” sigaw ni Midnight, sabay tawa. Natawa si Anthony at kinurot ang pisngi ng anak. “That’s not happy birthday, son, but I’ll take it.” Lumapit ako sa kanila at tinapik si Anthony. “Hindi mo ba siya tuturuan ng ‘mama’ kahit once? Laging ‘dada’ lang ang sinasabi.” Ngumisi siya. “Well, he loves me more. Sorry, babe.”
Terakhir Diperbarui : 2025-09-08 Baca selengkapnya