Kira’s POV Pagpasok ko sa department namin, agad akong sinalubong ng bulungan. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. Naririnig ko pa ang mga mahihinang tawanan, at kahit hindi ko sila tingnan isa-isa, alam kong ako ang pinaguusapan. “’Yan ‘yung sinasabi ko. Pinabayaan ang pamilya sa probinsya, nakahanap lang ng mayaman.” “Kung hindi ba naman, tingnan mo. Limang buwan buntis, tapos parang siya pa ang bida.” Napalunok ako. Pinili kong maglakad nang diretso papunta sa table ko, pero bago pa ako makaupo, nakita ko si Bianca. Nakadungaw siya sa table niya kasama ang dalawa pang junior architects. Nakasandal siya sa upuan, nakangisi habang maingay na nakikipagkuwentuhan. “Kaya pala bigla siyang nagka-condo, branded na lahat ng gamit. Syempre, jackpot sa mayamang asawa. Wala na, iniwan ang pamilya niya sa probinsya. Pabaya. Kahit kapatid niya raw dati nagtrabaho sa bar, ‘di ba? Parang sila na talaga. Pare-parehong manggagamit.” Biglang nanikip ang dibdib ko.
Terakhir Diperbarui : 2025-09-05 Baca selengkapnya