Anthony’s POV Mabilis kong kinuha ang phone mula sa passenger seat nang biglang mag-ring. Pagtingin ko sa screen, si Mardy. “Hello?” agad kong sagot habang hawak ang manibela. “Sir, emergency. Sinugod po ng mga reporters ang condo. Nasa baba sila, may dalang cameras at microphones. Ang dami nilang sinasabi tungkol kay Miss Kira. Gold digger daw, mangagamit daw. Sir, baka makita ni Miss Kira, masaktan siya.” Nalagot ang hininga ko saglit. Biglang sumikip ang dibdib ko. “What? How the hell did they know her place?” “Hindi ko rin alam, Sir. May nag-leak siguro. Pero nandiyan na po sila. Naghihintay sa lobby, pati sa labas ng building.” Napakuyom ako ng kamao habang hawak ang manibela. “Putangina. Sige, huwag mo siyang palabasin. Bantayan mo si Kira, Mardy. I’m on my way.” “Yes, Sir. Pero magmadali po kayo. Hindi na maganda ang sinasabi ng iba.” Binaba ko ang tawag at mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho. Ramdam ko ang adrenaline sa katawan ko. Hindi ako mapapalagay hangga’t hin
Last Updated : 2025-09-02 Read more