Neil’s POV Hindi ko na kayang hayaan pa ang pamilyang muntik ng pumatay sa ama ko. Ilang buwan kaming nagtiis habang tahimik ang pangalan ng pamilya nila. Ngayon na ako na ang Presidente, hindi na ako papayag na manahimik pa kami. Tumawag ako kay Franco at pinapunta sa opisina.   “Franco,” sabi ko, “oras na para ilabas ang lahat ng baho nila. Drugs runs. Human trafficking networks. Money trails. Ang gusto kong makita: dokumentado, legal, at walang hangganang ebidensya.” Tumango siya, halatang naka-focus sa sinabi ko. “Sabihin mo lang kung saan ako magsisimula.” “Ilista mo ang lahat ng koneksyon nila sa mga suppliers, logistics companies, shell corporations. Kausapin mo 'yung mga driver, mga private contractors, kahit mga low-level couriers. Kung may CCTV sa mga warehouse nila o sa mga route, kukunin natin. Kung may emails o bank transfers, i-forensic natin,” mariin kong sabi. Umupo siya at nagbukas ng notebook. “Magkano ang budget mo para rito, Neil? Kasi kung legal nang approach
Last Updated : 2025-10-10 Read more